044 - Ang Panginoon Ko'y May Damit

Ang Panginoon ko'y may damit
Mabango, marikit!
Ang samyo'y nasok sa 'king dibdib
At di na maalis!

REFRAIN

Iniwan ang palasyong garing
Sa lupa'y nanaog;
Pag-ibig niya sa akin
Ang siyang nag-udyok.

Ang buhay Niya'y nababalot
Ng luha't himutok.
Kung magunita ang Kanyang krus
Luha ko'y nanagos!

REFRAIN

Iniwan ang palasyong garing
Sa lupa'y nanaog;
Pag-ibig niya sa akin
Ang siyang nag-udyok.

Sa Damit Niya, ang humawak
Gumagaling agad!
Kung ako sa sala'y madulas
Hinahangong kagyat!

REFRAIN

Iniwan ang palasyong garing
Sa lupa'y nanaog;
Pag-ibig niya sa akin
Ang siyang nag-udyok.

S'ya'y darating na nararamtan
Ng kal'walhatian,
At doon sa Kanyang tahanan
Ako'y ipipisan.

REFRAIN

Iniwan ang palasyong garing
Sa lupa'y nanaog;
Pag-ibig niya sa akin
Ang siyang nag-udyok.

0:00 0:00